Liar Liar goes to Paint???
Monday, October 31st, 2005- Liar -to- Paint
- Bakit ba kailangan magsinungaling ng isang tao?
- talaga bang mayroong "white lies"?
- talaga bang nasa dugo na iyon ng mga tao ngaion?
Ayon sa aking sariling experience, ginagawa ko ang pag sisinungaling kung may tinatago akong isang bagay na ayoko kong malaman ng iba. katulad ng kung saan talaga ako pupunta, kung anong oras ba talaga ako uuwi, kung nasaan na ako, kung tulog na ba ako, kung sino kasama ko, kung talaga bang ginawa ko yung ganun-yung ganyan.
Halos nakasanayan ko na ang pag sisinungaling nakakabuti man o hindi. Nabuhay kasi ako sa paniniwala na mayroong "white lies". Anu ba ang white lies? ito daw ang sistema ng pag sisinungaling para sa ikakabuti. meron ba nun?? minsan narinig ko na yan sa nanay ko. "Ok lang yun, its just a white lies" sabi nya. bigla tuloy akong naguluhan.. nag isip. Siguro nga merong white lies! yan ang pumasok sa isip ko. ngunit, subalit, datapwat, ginamit ko ang salitang white lies minsan sa isang sitwasyon. Ok naman ang kinalabasan. nasiyahan naman ako. Positive! pero nung bata pa ako ginamit ko na iyon bilang halimbawa sa nanay ko, bigla akong pinagalitan. aking ikinagulat ang lahat. bigla tuloy ako napatanong.. kala ko ba di masama ang white lies? napaisip ako ng ilang gabi.
Linggo. nagsimba kami. ang topic ni padre- Kasinungalingan! Abah! timing nga naman. parang masasagot ang aking mga katanungan. nakinig ako sa pag aakalang maiintindihan ko. ngunit natalo ako ni temptasyon. sinampal ko ang sarili ko, kinurot-kurot para magising. pagkarinig ko ng white lies! alisto na ang aking diwa. wala nga talagang salitang "white lies" lies lies in lies oo nga naman. lies is lies. ang kasinungalingan daw ay nabuo sa paghahagilap ng salitang di makatotohanan at ginagamit natin upang bumuo ng isang buong diwa na di makatotohanan. err? anu yun?
Ayun! naintindihan ko si padre. sinungaling na kung sinungaling! ok ok ok.. nagkamali ako sa pagaakalang pwede o exempted ang white lies sa kasalanan.
Ayon narin sa aking napanood na cartoon which is Madeline ang pag sisinungaling
daw ay parang pagppainting. oo! painting. sa pagpipintura mas maganda kung isang pasada lang ng kulay, tipong walang mali. kung maraming pagkakamali mahirap na itong burahin at pangit na pag pinatungan pa ng ibang kulay. Ganun ang pag sisinungaling. Mas maraming beses ka ng nagsinungaling mas mahirap na itong bawiin. kung babawiin mo man ito sa isang tao paniniwalaan kapa kaya?
Ayun! may natutunan di pala ako sa mga pambata na cartoons. hehehehe! may reason na tuloy aq para manuod pa ng mga pambatang cartoons!
